Good News:Natanggap na ni General Ronald “Bato” Dela Rosa ang order mula sa Palasyo para sa pormal niyang pagpapalawig sa serbisyo ng hanggang tatlong buwan pa,

para sa pormal niyang pagpapalawig sa serbisyo ng hanggang tatlong buwan pa.

Sabi ni Dela Rosa, sa tatlong buwang ilalagi pa niya sa PNP, itutuon niya ito sa pagpapaigting pa ng giyera kontra droga.

Pero tiniyak na sa pagkakataong ito ay mas magiging maingat na sila sa pagsasagawa ng drug operations upang hindi malusutan ng mga indibidwal na may masamang intensyon.

Hiling rin ni Dela Rosa na mapabilis pa ang pagbili ng mga body cameras ngayong pumasok na ang taong 2018.

Ito ay upang makapaglabas na siya ng polisiya na bawal na ang magsagawa ng drug operation kung walang body camera ang mga pulis na kasama sa operasyon.

Sa pagkakaroon aniya ng body camera ay mababantayan nila ang kanilang hanay na lalabag sa police operational procedure sa pagsasagawa ng war on drugs.

source:abante

Loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*