Survivor sa Mandaluyong Shooting: “Hindi kami pinakinggan na pasyente dala namin”

“Sumisigaw kami na pasyente ang dala namin, pero hindi kami napakinggan, pinadapa lang kami ng mga pulis. Hindi kami pinakinggan na pasyente ang dala namin,”

Ito ang salaysay ng isang survivor na si Mhury Jamon sa isang shooting incident.

Dagdag pa nito na habang papalapit umano sa kanila ang mga tanod ay pinaputukan sila hanggang may tinamaan sa kanyang mga kasama bago pa man dumating ang mga pulis.

“Habang papalapit sa amin [‘yung mga tanod], pinuputukan kami hanggang sa may tama na ‘yung isang kasama namin bago pa dumating ‘yung mga pulis,”

Sabi pa ng survivor na nagbigay umano ng warning ang mga pulis na paputukan sila kung hindi sila bababa sa sasakyan.

“Bago sila nagpaputok nagsabi sila na pag hindi kayo bumaba, puputukan namin kayo. Eh hindi nga makababa. Pinutukan pa rin kasi hindi bumababa ‘yung kasama namin,”

“Yung pulis na ang nagpababa sa aming lahat. Kaya naman nagpaputok ‘yung pulis dahil akala nila ayaw bumaba ng mga kasama namin sa sasakyan. Pero hindi talaga ‘yun makakababa kasi ‘yung pasyente namin nakadagan doon kay Kuya Bobot kaya hindi siya makakilos,” – dagdag pa niya.

SOURCE: GMA News

Loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*